Ang Kagandahang-loob sa mga Magulang

Mga Artikulo Ang Pang-kalahatang kard
Ang Pamagat: Ang Kagandahang-loob sa mga Magulang
Wika: Tagalog
Maikling Pagkakalarawan: ang Islam ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na tungkulin ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa wastong kaparaanan (gawi) sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang (mga anak) puso ng binhi ng pananampalataya sa Allah(SWT) at sa Kanyang Kaisahan nang walang katambal....
Petsa ng Pagdagdag: 2007-02-26
Ugnayan: http://IslamHouse.com/6087
Translation of Subject Description: Arabic
Mga Nakakabit sa Pahina ( 1 )
1.
Ang Kagandahang-loob sa mga Magulang
114.9 KB
: Ang Kagandahang-loob sa mga Magulang.pdf
Detailed Description
Sa ating henerasyon ngayon, nasasaksihan natin paurong na pag-aasal ng ating mga kabataan at mga anak tulad ng pagwawalang-bahala (di-pagsunod) sa mga magulang. Tayo ay minsan nakakabalita ng isang anak na pumatay sa kanyang (mga) magulang, lumapastangan, o dili kaya’y hindi tumutupad (nagsasagawa) sa tungkulin na maging mabait sa kanila at tulungan sila sa kanilang pangangailangan. Kung ating susuriin ang dahilan sa ganitong uri ng asal, ating mapag-alaman na ito ay sanhi ng kahinaan ng pananalig at kakulangan ng kaalaman sa pananampalataya o maling pagbibigay kahulugan sa mga pag-uutos ng Shari’ah. Bagama’t ating matutunghayan na ang taong may malakas na pananampalataya at may sapat na kaalaman sa kanyang pananampalatayang (relihiyong) Islam ay mabait at masunurin sa kanyang mga magulang.

Katotohanan, ang Islam ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na tungkulin ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa wastong kaparaanan (gawi) sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang (mga anak) puso ng binhi ng pananampalataya sa Allah(SWT) at sa Kanyang Kaisahan nang walang katambal. Nararapat nilang ipaalaala sa kanilang mga anak ang Paraiso at pagsikapang magkaroon sila ng hangaring makamit ito. Gayundin ang pagbibigay-babala sa kanila sa Impiyernong Apoy at kaparusahan dito. Tungkulin ng mga magulang na ituro sa kanilang mga anak habang sila ay bata pa ang tungkulin nila sa kanilang mga magulang. Ang Allah(SWT) ay nagbigay sa atin ng halimbawa nito sa Qur’an tungkol sa kuwento kay Luqman. Siya ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
 
At tandaan nang si Luqman ay nagsabi sa kanyang anak (na lalaki) habang kanyang pinapangaralan: “O aking anak! Huwag kang magtambal ng iba pa sa pagsamba sa Allah; katotohanan, ang pagtatambal sa pagsamba ng iba pa sa Allah ay katiyakang Thulm (pinakamatinding kamalian).” [Qur’an, 31:13]
 
At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan. At ang pagpapasuso (ng gatas maliban sa nagmumula sa ina) sa loob ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang. At sa Akin ang inyong huling hantungan. [Qur’an, 31:14]
 
Magkaganoon, nasaan ang mga magulang na tumayo (sa buhay) na katulad ng ginawa ni Luqman at sumunod sa kanyang mga yapak? Katunayan na kapag ang mga magulang ay sumunod sa wastong gawain (tamang kaparaanan), hindi sila maghihinaing sa pagwawalang-bahala ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ay may malaking pananagutan ngayon sapagkat ang paraan ng pamumuhay sa kasalukuyang panahon ay nalihis sa tamang daan at sila ay napapalayo na sa landas ng Islam. Kung kaya’t ang kanilang (mga magulang) tungkulin ay lalo pang bumigat sapagkat sila ay may pananagutan sa kanilang mga anak. Ang Propeta(SAS) ay nagsabi:
 
“Lahat kayo ay mga tagapag-alaga at may pananagutan sa inyong mga alaga. Ang pinuno ay isang tagapag-alaga na may pananagutan sa kanyang mga alagad; ang lalaki ay ang tagapag-alaga ng kanyang mag-anak; ang babae ay ang tagapag-alaga sa bahay ng kanyang asawa at may pananagutan sa kanyang mga alaga; ang utusan ay tagapag-alaga ng mga pag-aari ng kanyang amo at may pananagutan sa kanyang mga alaga.” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
 
Samakatuwid, upang mapag-alaman ng bawat isa ang kanyang tungkulin sa iba (magulang at mga anak), marapat lamang na palagi silang sumangguni sa Aklat (Qur’an) at Sunnah (gawi ng Propeta SAS). Aking ilalahad dito, ang ilang halimbawa mula sa Qur’an, Sunnah at ilan sa mga kasaysayan ng mga pantas ng Islam. At inyong mapapag-alaman ang kanilang dakilang asal. Sa Qur’an, maraming mga talata ang nag-uutos ng pagsamba sa Allah(SWT) lamang kasunod dito ang pag-uutos ng kabaitan sa mga magulang kagaya ng sinabi ng Allah sa Qur’an:
 
“Sambahin ang Allah at huwag magtambal (ng iba) sa Kanya sa pagsamba, at gumawa (maging) mabuti sa mga magulang…” [Qur’an, 4:36]
 
Sa pagpapahiwatig sa kahalagahan ng kabaitan ng mga anak sa kanilang mga magulang, isinunod ito ng Allah sa pag-uutos ng pagsamba sa Kanya. Ito ay isang katibayan na ang dalawa ay magkaugnay sa isa’t-isa. Sa gayo’y hindi sapat ang pagsamba sa Allah(SWT) nang may pagwawalang-bahala at ang kabaitan ay hindi sapat nang may “shirk” sapagkat ang likas na katangian ng pagsamba ay lubos na pagsunod. Walang pagsunod na makakamtan nang wala ang dalawa (pagsamba at kabaitan sa magulang) sapagkat ang pagwawalang-bahala ay pagsuway. Sa bahaging ito, ang Propeta(SAS)ay nagpahayag kaugnay nito sa kanyang Hadith:
 
“Isang lalaki ang lumapit sa Propeta at nagsabi, ‘O sugo ng Allah, ako’y sumasaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at ikaw ang sugo ng Allah. Isinasagawa ko ang limang Salat, binabayaran ko ang aking zakat, at ako ay nag-aayuno sa Ramadan.’ Ang Propeta ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito: ‘Sinuman ang mamatay sa (kalagayang) ito, siya ay mapapasama sa mga propeta, totoong naniniwala at mga mapagpasakit (martir) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kagaya nito, at itinaas niya ang kanyang dalawang daliri. Hangga’t hindi niya nilalaspatangan (tinatrato nang masama) ang kanyang magulang.’” [Iniulat ni Ibn-Hiban at napatotohanan]
 
Ang Hadith na ito ay tunay na katibayan na nararapat na mayroong dahilang kaugnayan sa pagitan ng alipin at sa kanyang Tagapag-Likha, na nagsasagawa ng tungkuling pang-Islam at kabaitan sa mga magulang upang malubos ang pananampalataya ng isang tao.
 
Ang kabaitan sa magulang ay hindi katangian ng Muslim lamang bagkus ito ay isang lumang (isa sa mga naunang) kautusan mula sa Allah(SWT) sa mga lipunan (kabihasnan) bago sa atin. Ang Allah(SWT)ay nagpahayag sa Qur’an hinggil dito:
 
At (tandaan) noong Kami ay tumanggap ng tipan sa mga angkan ng Israel (na nagsasabing), walang sasambahin maliban sa Allah (lamang) at maging masunurin at mabuti sa mga magulang… [Qur’an, 2:83]
 
Sa talatang ito, mayroong tipan mula sa angkan ng Israel na kanilang dinulog sa Allah(SWT) upang sambahin ang Allah(SWT) lamang at maging mabait sa kanilang mga magulang. Gayundin, ang Allah(SWT) ay nag-utos sa mga propeta, lalung-lao na si Yahya (Juan) sapagkat siya ay naging mabait sa kanyang mga magulang hanggang sa pagsapit ng kanilang katandaan kung kailan higit na kailangan ang tulong at kabaitan mula sa mga anak. Kung kaya’t ang Allah(SWT) ay nagsabi tungkol kay Yahya sa Qur’an:
 
“At masunurin sa kanyang mga magulang, at siya ay hindi mapagmataas at hindi masuwayin (sa Allah at sa kanyang mga magulang).” [Qur’an, 19:14]
 
Gayundin, ang Allah(SWT) ay nag-utos kay Eisa (Jesus), nawa’y kalugdan siya ng Allah(SWT), na maging mabait sa kanyang inang si Marya. Ang Allah(SWT) ay nagsabi sa Qur’an:
 
“At masunurin sa aking ina, at ginawa akong hindi mapag-mataas, hindi pinagpala.” [Qur’an, 19:32]
 
Mayroong isang mahalagang bagay dito sa kabaitan sa mga magulang sa pangkalahatan o pangkaraniwan na sumasaklaw kung ano ang nais at hindi nais gawin ng mga bata nang walang pagtanggi o pagtatalo. Ang ibang mga bata ay nag-aakala na ang kabaitan sa mga magulang ay yaong kung anuman ang angkop sa kanilang nais. Ngunit ang katotohanan ay yaong kabaligtaran nito. Ang lubos na kabaitan ay maaaring hindi sumang-ayon sa kanilang nais.
 
Ang kondisyon ng kabaitan ay:
 
1.      Ang anak ay naghahangad ng kasiyahan ng kanyang mga magulang kaysa sa kanyang sariling kasiyahan, ng kanyang asawa, ng kanyang mga anak at ng lahat ng mga tao.
 
2.      Ang anak ay nararapat na sumunod sa kanila sa lahat ng oras anuman ang hilingin nila (mga magulang) hangga’t hindi nila hinihiling sa anak na suwayin ang Allah(SWT).
 
3.      Nararapat na ang anak ay magbigay sa kanila ng anumang naisin nilang makuha nang hindi na siya pinakikiusapan pa. Gayundin, nararapat na ang anak ay malugod na magbigay sa kanila ng kanilang nais.
 
Mayroong ilang mga talata sa Qur’an na ipinahayag nang may tiyak (malinaw) na kaparaanan na nararapat sundin sa pag-aaruga sa ating mga magulang. Ito ay nagbibigay ng katiyakan sa pag-aalaga sa mga magulang kapag sila ay mahina (sa katawan, sa pag-iisip at sa pananalapi) o dili kaya’y kapag mayroon silang karamdaman at sila’y nangangailangan ng mag-aalaga sa kanila. Ang ilan sa mga talatang ito ay yaong mga sinabi ng Allah(SWT) sa Qur’an:
 
“Ang ang inyong Panginoon ay nagtakda na wala kayong ibang sasambahin maliban sa Kanya. At ang kayo’y maging masunurin sa inyong mga magulang. Kapag ang isa o dili kaya’y kapwa nila naabot ang katandaan sa panahong kayo’y nabubuhay pa, huwag magsabi sa kanila ng salita ng kawalang-galang maging ang sigawan sila. Bagkus ay pagsalitaan sila nang may karangalan. At ibaba sa kanila ang pakpak ng pagsunod (pagsuko) at pagpapakumbaba sa pamamagitan ng habag, at sabihin: ‘Panginoon ko! Ipagkaloob Ninyo sa kanila ang Inyong awa kagaya ng pagpapalaki nila sa akin noong ako ay bata. Ang inyong Panginoon ang higit na nakababatid kung ano ang saloobin ninyo. Kapag kayo ay matuwid, kung gayo’y katotohanang Siya ang Lubos na Mapagpatawad sa kanilang bumabaling sa Kanya sa tuwina sa pagsunod at sa pagsisisi.’” [Qur’an, 17:23-25]
 
Ang mga ito ay mga dakilang talata na nagpapahayag ng pagpapayo at malinaw na utos sa mga bata (anak) kung gaano kahalaga ang paksang ito. At nararapat nilang isa-isip na kapag kanilang pinakitunguhan ang kanilang mga magulang nang mabuti, sila ay pakikitunguhan din kagaya nito ng kanilang mga anak sa kanilang pagtanda. Mga giliw kong manonood, nararapat ninyong malaman na ang pagdarasal sa Allah(SWT) para sa mga magulang ay bahagi rin ng pagiging masunurin sa mga magulang. Kagaya ng sinabi ng Allah(SWT) sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito, narito si Propeta Noah na nagdarasal para sa kanyang mga magulang:
 
“Panginoon ko! Patawarin mo ako at ang aking mga magulang, at siyang pumapasok sa aking tahanan na isang naniniwala, at lahat ng mga naniniwalang kababaihan at kalalakihan.” [Qur’an, 71:28]
 
Gayundin, ang Allah(SWT) ay nagsabi sa Qur’an tungkol kay Propeta Ibrahim:
 
“Aming Panginoon! Patawarin mo ako at ang aking mga magulang, at ang (lahat ng) mga naniniwala sa Araw kung kailan ang pagtutuos ay ipamamalagi.” [Qur’an, 14:41]
 
Huwag mamangha kapag nalaman ninyo na ang kabaitan sa mga magulang ay ang dahilan upang maibsan ng kabalisahan. Ipinaalam sa atin ng Sugo ang tungkol sa tatlong tao na nanatili sa yungib sa Hadith na ito, na ang kahulugan ay isinaling wika nang ganito:
 
“Tatlong kalalakihan, na kabilang sa kanila na dumating bago kayo, ang naglakbay hanggang sumapit ang gabi at napadpad sa isang yungib, kaya sila ay pumasok. Isang malaking bato ang dumausdos mula sa bundok at humarang sa bukana (lagusan) ng yungib. Silay ay nagsabi: ‘Walang makapagliligtas sa iyo dito maliban sa magdasal sa Allah sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga matutuwid na gawa na iyong naisakatuparan!’ Kapagdaka’y isa sa kanila ang nagsabi: ‘O Allah! Ang aking mga magulang ay matatanda na noon at binibigyan ko sila ng gatas bago ang aking mga anak at utusan. Isang araw, ako ay humayo sa paghahanap ng kumpay (damo) at hindi nakabalik hanggang sa nakatulog na sila. Noong ako ay nanggatas kagaya nang dati at dinala ang inumin sa kanila, sila ay nakatulog na. Kinasusuklaman kong gisingin sila at hindi ko rin nais na magbigay ng gatas sa aking mga anak bago sila. Ang aking mga anak ay umiiyak sa aking paanan dahil sa gutom subalit naghintay ako na sila’y magising na ang mangkol ay nasa aking kamay. Noong sila’y maging sa madaling-araw, sila ay uminom ng gatas. O Allah! Kung aking ginawa ito para mapagsumikapang makamtan ang Inyong kasiyahan, sa gayo’y iligtas kami sa kabalisahang sanhi ng (pagkakaharang ng) bato!’ Ang bato ay umuusad bahagya…” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
 
Kung kaya’t, batay sa tunay na kuwentong ito, ang Muslim ay nararapat na tumanggap ng paalaala at malaman na ang mga kadakilaan ng maibsan ng kabalisahan ay ang pagiging mabait sa magulang.
 
Ang relihiyon ng katarungan (Islam) ay binibigyan ng pangunahing pagpapahalaga sa kasiyahan ng mga magulang kaysa sa kasiyahan ng asawa. Maraming pagkakataon na ating narinig na ang sinusunod ng tao ay ang kanyang pansariling nais hanggang sa kanyang maabot ang aantas ng di-pagkamakatarungan kung saan ay kinikilingan niya ang kanyang asawa kaysa sa kanyang mga magulang o dili kaya’y insultuhin (lapastanganin) ang kanyang mga magulang para lamang mabigyang-kasiyahan ang kanyang asawa. Ito ay isang mapanganib na gawa (pasiya). Sa katunayan, ang Islam ay nagbigay sa bawa’t isa ng kani-kanilang karapatan at tiniyak (malinaw na itinakda) ang takdang tungkulin ng tao sa kanyang mga magulang, asawa, mga anak, kamag-anak at iba pa upang sa gayo’y maibigay niya sa bawat isa ang kanilang karapatan.
 
Para sa kadakilaan ng katayuan (kalagayan) ng mga magulang, ang mga masunurin sa kanila ay hindi tumitigil hanggang sa sila ay mamatay. Bagkus ay nagpapatuloy hanggang ang anak (bata) ay nabubuhay. Ang sugo ng Allah(SWT) ay nagsabi:
 
“Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang mga gawa ay titigil maliban sa tatlo (pinagmulan), tuloy-tuloy na Sadaqh (kawanggawa), o kaalaman (kaalamang pang Islam) na makikinabang (kagaya ng mga aklat tungkol sa kaalamang pang-Islam) o dili kaya’y isang matuwid na anak na nagdarasal para sa kanya (magulang).” [Iniulat ni Abu-Dawood]
 
Samakatuwid, ang pagiging masunurin sa magulang ng anak, na ipinagpapatuloy kahit na pagkatapos na mamatay ang mga magulang, na may pagdarasal sa Allah(SWT) na patawarin ang kanilang mga kasalanan ang siyang magdadala sa kanila sa Paraiso.
 
Narito ang isang kuwento tungkol sa kasamahan ng Propeta Muhammad(SAS) na si Abdullah Ibn Umar Al-Katabb. Siya ay nakatagpo ng Bedouin sa kanyang daan patungo sa Makkah. Siya ay bumati ng Salam sa kanya, nag-alok na sumakay sa asno na kanyang sinasakyan, at ibinigay sa kanya ang turbante na suot ng kanyang ulo. Si Ibn Dinar (na kasama ni Abdullah) ay nagsabi sa kanya: “Nawa’y gawin siyang masunurin at banal ng Allah!” Ang mga Bedouin ay masisiyahan sa anumang bagay na ibigay ninyo sa kanila (na para bagang ang anumang ibinigay ninyo sa mga Bedouin ay malabis na). Sa sandaling ito, si Abdullah Ibn Umar ay nagsabi, ‘ang ama ng taong ito ay isa sa mga kaibigan ni Umar (ama ni Abdullah) na higit niyang mahal sa lahat.’ At narinig ko ang sugo ng Allah(SWT) na nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang pinakamahasay na paggawa ng kabutihan ay ang mabuting pakikitungo sa isang ang ama ay pinakamamahal siya.” [Iniulat ni Muslim]
 
Gayundin, nararapat na maging mabait sa kanyang kapatid bilang bahagi ng kabaitan sa ina pagkatapos ng kanyang kamatayan. Isang tao ang lumapit sa sugo na nagsabing: “O sugo ng Allah, ako ay nakagawa ng isang malaking kasalanan. Mayroon bang pagsisisi para sa akin?” Ang Propeta(SAS) ay nagsabi sa kanya: “Buhay ba ang iyong ina?” Siya ay nagsabi: “Hindi”. Ang Propeta(SAS) ay nagsabi: “Mayroon ka bang tiyahin?” Siya ay nagsabi: “Oo”. Ang Propeta(SAS) ay nagsabi: “Maging mabait sa kanya.” Ang Islam ay gumawa sa inang maging karapat-dapat na higit na masunurin kaysa sa ama. Ang Allah(SWT) ay nagsabi sa Qur’an:
 
At Aming itinagubilin sa tao (na maging masunurin at mabuti) sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay nagdalang-tao sa kanya sa kahinaan at kahirapan, at ang pagwalay sa kanya ay pagkaraan ng dalawang taon – magbigay pasasalamat sa Akin at sa inyong mga magulang. Sa akin ang huling hantungan. [Qur’an, 31:14]
 
Gayundin, sa Hadith na ito, isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah(SWT) at nagtanong:
 
“Sino sa mga tao ang karapat-dapat sa lahat ng mahusay na pakikitungo mula sa akin?” Ang Propeta(SAS) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang iyong ina.” Siya ay nagtanong muli: “Sino ang susunod?” Ang Propeta(SAS) ay sumagot muli: “Ang iyong ina.” Siya ay nagtanong muli: “Pagkatapos ay sino?” Sa sandaling ito ay nagsabi ang Propeta(SAS): “Pagkatapos ay ang iyong ama, at pagkatapos ay ang iyong mga kamag-anak.” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
 
Sa mga nabanggit na talata at Hadith, napag-alaman natin na ang ina ay karapat-dapat sa higit na kabaitan kaysa sa ama at sinumang tao. Ito ay dahil sa ang ina ay dumaranas ng maraming paghihirap at sakit. Siya rin ay nag-aalaga sa anak nang higit sa sinupaman, kahit na ang kanyang ama na pumapangalawa pagkatapos ng ina sa pagiging masunurin.
 
Katotohanan, kung ninanais ninyong maging maligaya sa inyong buhay, maging matagumpay sa inyong hinaharap (kinabukasan), at maligtas sa paghihirap sa Impiyernong Apoy, sundin ang mga kautusan ng pananampalatayang ito (Islam) at maging mabait sa inyong mga magulang. Narito ang ilang mga mungkahi sa pagiginig mabait sa inyong mga magulang:
 
1.      Sundin ang inyong mga magulang kapag inuutusan nila kayo, lalung-lalo na kapag inuutusan kayong sumamba sa Allah(SWT).
 
2.      Palaging maging magalang kapag kinakausap sila.
 
3.     Kapag nakita sila sa umaga, batiin ng Assalamu alaykum ya Ummi o Abi. Gawin din ang ito kapag dumating ka sa bahay sa gabi. At kapag sila’y dumating pagkatapos ninyo, pagpasok nila ng bahay, lapitan sila at halikan.
 
4.      Kapag nais mong umalis ng bahay, palaging hingin ang kanilang kapahintulutan.
 
5.      Palaging hingin ang kanilang payo kapag nais mong magsagawa ng isang malaking bagay.
 
6.      Palaging isama sila sa inyong pagdarasal.
 
7.     Huwag sumabad kapag sila ay nagsasalita. Bagkus ay makinig sa kanila. At kapag natapos na sila (sa pagsasalita) ay saka mo lamang sabihin ang gusto mong sabihin o linawin.
 
8.      Huwag itaas ang inyong boses nang higit pa sa kanilang boses.
 
9.     Huwag makipagtalo sa kanila kahit na sila ay nakagawa ng kamalian. Huwag ipaggiitan ang inyong palagay at huwag silang paaminin (sa kanilang kamalian).
 
10.  Huwag magsinungaling sa kanila.
 
11.  Huwag manguha ng anupamang pag-aari nila nang wala silang kapahintulutan.
 
12.  Kapag ang pagkain ay inihain, huwag kumain hangga’t hindi sila nagsisimulang kumain.
 
13.  Huwag humilata kapag sila ay nakaupong kasama kayo maliban kapag pinahintulutan kang gawin ito.
 
14.  Kapag ikaw ay tinatawag nila, sumagot kaagad sa kanila.
 
15.  Huwag umupo sa mas mataas na lugar kaysa sa kanila kapag sila’y kasama ninyo sa isang lugar.
Iisang Mensahe Lamang
Go to the Top